Tuesday, June 17, 2008

WALANG PROF + D.O. = BAD3IP

Remember un post na "d inosente look", well not this time. Hinde sya tumalab walang nangyari nahuli ako at ang masama pa dun walang prof, haaay! iisa lang subject mo 7-9 na umaga walang prof na D.O. sa walang kwentang dahilan, badtrip!

Tuesday, June 10, 2008

D' inosente look

Wednesday ngayon, at meron patakaran ang school namin na dapat naka-corporate attire ang mga 3rd year, 4th year kasama ang mga terminal students(kung saan ako nabibilang) tuwing araw ng Miyerkules. Well, hindi sa ayaw kong magsuot ng corporate attire nakalimutan ko lang talaga so yun na nga, pumasok akong naka uniform at ang pasok ko ay 7-9 ng umaga nakita ko ang mga guard na nanghaharang ng mga 3rd yr and 4th yr student kasama ang mga terminal student na hindi naka corporate nung nakita ko ang senaryong yun nag isip agad ako ng paraan kung paano ako makakalampas ng hinde na sisita ng mga guard. Una, naisip kong dumaan sa gate 4 at tumuloy sa canteen kung saan nakakonekta ang building namin, to my surprise SARADO ang canteen ewan ko kung nahahalata na ng D.O. na doon dumadaan ang mga estudyante kapag walang I.D. o kung nakacivilian o kung hindi naka corporate, cyempre mission failure kelangan kung maghanap ng ibang paraan para makapasok sa building namin pero bago yun kelangan ko muna bumaba sa hagdan at harapin ang mga estudyanteng palo sa pagpasok sa eskwela(second day ngayon ng 1st term sa main kaya sobrang daming freshmen) at un na nga upang mabawasan ang kahihiyaan ginamit ko ang "inosente look" na may kasamang "kunwaring may ka text look"at effective naman dahil nabawasan ang kahihiyaan ko at sa katunayan e meron pa akong nakita na umakyat papunta canteen at wala rin napala. Balik sa estorya ala siete na nasa labas pa rin ako ng building kelangan ko makapasok kung hindi e mawawalan ng saysay ang pag gising ko ng maaga para lang makapasok na hindi namamarkahan ang attendance ko. So ginamit ko ulit ang "inosente look" habang sinisipat ko kung sino ang mga nakaposte sa mga pintuan dadaanan ko, sa annex building nandun si ever-loyal(kilala lahat ng estudyante) sa main building naman nandun si japet(may crush sa kakilala ko) at alam ko na kilala na nila ako at hindi tatalab ang "inosente look" sa kanila, isa na lang ang pede kong daanan ang technology building kung saan pedeng dumaan ang mga taga main at ang taga-EAC dun ko rin nakita ang kakilala ko na pabalik sa dorm niya dahil nasita ng mga guard, nauubos na ang oras ko kelangan ko ng mga pasok kung hindi e meron na lang akong isang option yun ay magpa DO at alam kong abala yun. Heto na malapit na ako sa pintuan naghahanap ng tamang tiempo para makapasok at sakto naman si ate guard ay may nakitang 3rd yr na hindi nakacorporate ang swerte ko, swerte din gumana ang "inosente look" kay manong guard at swerte din na hindi ko kakilala ung estudyante dahil malamang kung kakilala ko at nakita niya ako e tinuro ako at dalawa kaming makukuhaan ng ID, Haaay! salamat nakapasok ako at hindi pa ako late.

MORAL LESSON: maging bihasa sa paggamit ng "inosente look" gumagana pa din sa iba.

Caution:

Ang blog na ito ay nakakabingi!!!!