Saturday, May 31, 2008

"Promdi?"

Alam mo ba:" na ang Pilipinas ay binubuo ng maraming maliliit at malalaking isla at ayon nga sa WIKIPEDIA meron tayong eighty one na probinsya at nahahati pa ito sa mga maliliit na lalawigan at municipalidad."

Alam mo rin ba?: "na meron lamang 11,553,427 na populasyon sa metro manila"
Click mo to kung ayaw mong maniwala
at ang kabuuan na populasyon ng pilipinas ayon sa NSO ay 86 million lang naman,kapag binawas mo ang 11 million sa 86 ay magkakaroon tayo ng 75 million na mga probinsyano.

At ito pa: natutuwa tayong makarining ng mga probinsyanong nag uusap sa jeep o napapanood sa tlelebisyon dahil sa kanilang mga punto at maling pag pronounce ng /e/ at /i/ (minsan napagpapalit nila) katulad ng mga kababayan natin nakatira sa ka bisaya-an.


Saan ba ako dapat magulat sa dami populasyon ng ating bansa na napakaliit kumpara sa ibang bansa o sa maling persepsyon ng utak ng mga pinoy tungkol sa mga promdi???

Wednesday, May 7, 2008

"Call of Nature"

Napansin mo ba??? Nung mga nakalipas na mga araw ay sobrang init.Well, pede nating sabihin summer. OO summer pero hinde naman ganito kainit ang panahon nung kabataan ko, probably mga 10 years ago nung 1st year high school student ako. Kung hinde ako nagkakamali eh, yun ang panahon ng kasarapan at kaadikan ko sa basketbol although, naglalaro na ako ng basketbol as young as 7 years old pero ito ung panahon na talagang halos araw araw akong nasa basketbol court maghapon akong naglalaro at nagpapalipas ng oras. Well, masaya nun pero ngaun para bang iba na, ewan ko kung naging sensitibo lang balat ko o naging maarte lang ako pero hinde ko na kayang tumagal sa tindi ng init ni haring araw, para bang merong "malaking magnifying glass" na nakatotuk sa'yo at kapag nagtagal ka eh may posibilidad na masunog ang balat mo. Nagsisimula na bang magpapansin si "INANG KALIKASAN" sa atin??. At tignan mo hinde lang tayo ang nakakaranas ng pagtawag ng kalikasan sa mga "kapit-bansa" meron ng mga natural calamities na nangyari(Hurricane sa amerika, 7.5 magnitude na lindol sa China at malakas na bagyo sa Myanmar) masuwerte pa nga tayo at hinde tayo nakaranas ng katulad ng sa kanila. Nakakalungkot lang isipin, napakasaya ko nung kabataan ko at sana maranasan din yun ng mga kasunod na henerasyon kung sakaling pede pa.

Caution:

Ang blog na ito ay nakakabingi!!!!