Wednesday, May 7, 2008

"Call of Nature"

Napansin mo ba??? Nung mga nakalipas na mga araw ay sobrang init.Well, pede nating sabihin summer. OO summer pero hinde naman ganito kainit ang panahon nung kabataan ko, probably mga 10 years ago nung 1st year high school student ako. Kung hinde ako nagkakamali eh, yun ang panahon ng kasarapan at kaadikan ko sa basketbol although, naglalaro na ako ng basketbol as young as 7 years old pero ito ung panahon na talagang halos araw araw akong nasa basketbol court maghapon akong naglalaro at nagpapalipas ng oras. Well, masaya nun pero ngaun para bang iba na, ewan ko kung naging sensitibo lang balat ko o naging maarte lang ako pero hinde ko na kayang tumagal sa tindi ng init ni haring araw, para bang merong "malaking magnifying glass" na nakatotuk sa'yo at kapag nagtagal ka eh may posibilidad na masunog ang balat mo. Nagsisimula na bang magpapansin si "INANG KALIKASAN" sa atin??. At tignan mo hinde lang tayo ang nakakaranas ng pagtawag ng kalikasan sa mga "kapit-bansa" meron ng mga natural calamities na nangyari(Hurricane sa amerika, 7.5 magnitude na lindol sa China at malakas na bagyo sa Myanmar) masuwerte pa nga tayo at hinde tayo nakaranas ng katulad ng sa kanila. Nakakalungkot lang isipin, napakasaya ko nung kabataan ko at sana maranasan din yun ng mga kasunod na henerasyon kung sakaling pede pa.

No comments:

Caution:

Ang blog na ito ay nakakabingi!!!!