Share lang, bakasyon ngaun kaya wala akong magawa kundi umupo sa tapat ng computer ko, ng Bigla na lang nawalan ng kuryente. Huwaw! BLACK OUT ba? hindi, mejo lumuwag yung koneksyon ng kuryente namin doon sa tinatawag na "LIVE WIRE" o yung wire na dinadaanan ng kuryente mula sa MERALCO, kung bakit lumuwang? malay! nahanginan, nagalaw ng ibon o kung ano man pakialam ko basta alam ko wala akong magawa. So ayun na nga wala kaming kuryente at siyempre ano ba una mong gagawin? eh di tumawag sa MERALCO para malaman nila. And then naghintay kami ng dalawang oras para sa kanilang "serbisyo", ano sa tingin mo ang sumunod na nangyari pagtapos ng dalawang oras? "Surprisingly" walang dumating. So, siyempre antagal na dalawang oras na ang lumipas, tinawagan namin ulit para sa kanilang "SERBISYO", Lumipas nanaman ang ilang oras at wala pa ang kanilang "SERBISYO" kasi daw pinasa nila sa Rotonda branch ang aming hinaing dahil mas malapit kami dun kesa sa EDSA Kamuning branch na tama naman, So kami'y naghintay muli para kami ay ma"SERBIYO"han at wala pa din dumating.POTEK!!!gabi na wala pa ding kuryente, nagdahilan ang "operator" sa mahinahon pero galit na nanay ko na "rumoronda" daw yung truck nila kaya mejo matagal daw talaga, lumipas nanaman ang oras at wala pa din ang truck na magse"SERBISYO" sa min, tumawag kami ulit at sa pagkakataong ito si itay na ang tumawag para kausapin ang "operator" ano pa ba?siyempre sa antagal na walang kuryente at inis na dahil sa init ng panahon pag tapos ng 30mins nagdesisyon ang tatay ko na siya na ang gumawa ng lumuwag na koneksyon ng kuryente. Sa wakas nagkaroon na ulit ng kuryente at heto ako at nagsusulat tungkol sa kanilang "SERBISYO". Dumating naman sila kaso tapos na at wala na silang ginawa.
TANONG LANG
1.Ganito ba talaga kapag ordinaryong tao lang matagal ang serbisyo o natagalan lang talaga ang truck???.
2.Ilang beses ba dapat tumawag para respondihan ang isang kustomer na nangangailangan ng kanilang "SERBISYO???"Kelangang ba may attitude kapag tatawag sa hotline nila??? yung tipong galit ka na at kakain ka ng taong buhay.
3.Bakit kapag deadline na ng bayaran, eh mas mabilis pa sa alas kwatro ang pag putol nila sa koneksyon mo at parang siga pa kapag kumakatok sa gate nyo para maghanap ng resibo??.
NOTE:ang welcome rotonda ay apat na stop light lang ang layo samin tahanan at kayang puntahan ng less than 20 mins at inabot ng 11 na oras bago sila dumating.
Well,wala naman akong magagawa dahil ako'y isang ordinaryong tao at walang kapangyarihan sa bansang salat sa pag unawa at pagiging patas.,,||,,
No comments:
Post a Comment