Monday, October 6, 2008

issue about a dream...

monday night... i had a dream, i cannot say if it is a "nice dream" or a dream of a pathetic loser, anyway, maybe the reason why i dreamed about it, it's because i am bit excited because my high school classmate planned to meet up and catch up, sort of a "reunion." Of course, i missed my friends in high school, my "tropa", my best friends and everyone... actually they don't know what happened to me for the past few years, i just don't find a reason or a time to tell them about me, so i don't bother telling them about me and my recent "problem" and issue and i hope that no one knows about my "issue" or whatever it is, i just to know what i would tell them if they found out about it and i think that if they found out about me and the that "issue" it would be very uncomfortable for us, and i don't want them to know about that "issue", without even confronting first the "issue". It's not that i am afraid of the "issue", it just that, i don't want to make it a "big issue", because i know that it is a very "simple issue" and if only that "issue" would give me a chance to explain which i didn't get when i first confronted the "issue", this "issue" would be would be resolved and everything would be "normal" again. yeah! i did my part i tried to talked about the "issue" and unfortunately the "issue" didn't listen, bad luck? don't know... just want to end this "issue" as soon as possible, so everything can be normal again, i hope. About the dream... i already forgot what happened. :))

Saturday, August 16, 2008

Photobucket


Last Thursday, umaga habang ako ay kumakain sa first 5 pinaayos ko sapatos ko kay manong sapatero dahil naka nga nga na at maling hakbang na lang ay bibigay na... salamat kay manong sapatero.



españa de bay




Thursday ng gabi baha sa espaƱa waaaaaaaa! hanggang tuhod ang tubig, well no choice naglakad kame ni jayvee hanggang ramon magsaysay kaso nagkahiwalay din kasi inde ako makatawid. Tapos nun nagdecide na din akong maglakad hanngang Maceda ng naka- yapak. Taena hanggang ngaun ang sakit pa din ng likod ko... dko alam kung bakit pero masakit pa rin. yun lang! masaya naman e, adventure.hahaha =))

Monday, August 11, 2008

i am still here...

Lunes, walang magawa, nag decide akong mang halung-kat ng friendster naghanap ng mga dating kaibigan at nangumusta, pag tapos tumingin sa friendster account ng mga batchmate namen(kahit na alam kung malulungkot at maiingit lang ako. ). At nakita ko ang isa kong ka batch na nagtatrabaho sa RED CROSS, ewan ko kung ano dahilan nya kung bakit siya nagtatrabaho dun pero mukha naman syang masaya so ok naman at tumingin pa ako sa mga friends ng account ng batch namen nakita ko ang isa kung ka batch na nasa Kuala Lumpur inde ko alam kung nagbabakasyon sila ng pamilya nya o dun na cla nakatira at mukha rin syang masaya, lahat cla masaya. Wala lang, wala namana akong masyadong problema, actually nagpapasalamat pa nga ako sa mga blessings na natatanggap ko araw araw kaya lang, feeling ko kulang pa rin e, hinde pa rin ako graduate. Tingin ko wala pa rin akong direksyon wala pa rin pupuntahan, hindi pa rin seryoso. Parang un mga ka batch ko nakita na nila ung mga dapat nilang gawin at nag eenjoy sila samantala ako, "WALA" pa rin, Haaaaay! sana lang makapag desisyon na ako kung ano talaga gusto kong gawin sa buhay.:D

Saturday, August 9, 2008

Pasasalamat


Last Wednesday, sa wakas, sa loob ng dalawang buwan nagkaroon na din ako ulit ng cellphone nagpapasalamt talaga ako sa aking butihin ama na nagmalasakit sakin at sa pagpapasensya sa mga pagkakamali at patuloy akong iniintindi,hehe, salamat talaga.

Saturday, July 26, 2008

S.O.N.A.

Badtrip! lahat na ata ng university sa U-BELT e suspended na ang classes samantala ang school e walang pakialam kung mahirapan ang mga estudyante at ma trapik especially sa mga nakatira sa bandang Fairview. Badtrip talaga!!!.

Tuesday, July 22, 2008

So far so good

Nangahalati na ang term natapos na ang midterm "so far so good naman." nagpasa na din ng grades ang mga prof at pinakita na sa mga estudyante at ang mga sumusunod ay ang akin grade sa mga subject ko ngayon:


ONLISYS = 2.0
WEBPROG = 2.0
MATHMETH = 1.5


ung ibang subject ko di pa pinapakita ung grade pero pinakita na ung midterm exam,
eto mga grades ko.


COMPARC = 83%
BUSORGA = 78%
FORELAN = 60 (inde percentage walang nakalagay e)


ung CASEENG inde pa pala pinapakita, sana ma maintain ko para intern na ako next term .^0^
chaka natatakot ako sa ONLISYS ko kasi ang taas e wala naman akong ginawa para makakuha ng gantan grade parang ang dating sa kin e ang plastik tinaas lang ung grade kasi evaluation ngaun.

Tuesday, June 17, 2008

WALANG PROF + D.O. = BAD3IP

Remember un post na "d inosente look", well not this time. Hinde sya tumalab walang nangyari nahuli ako at ang masama pa dun walang prof, haaay! iisa lang subject mo 7-9 na umaga walang prof na D.O. sa walang kwentang dahilan, badtrip!

Tuesday, June 10, 2008

D' inosente look

Wednesday ngayon, at meron patakaran ang school namin na dapat naka-corporate attire ang mga 3rd year, 4th year kasama ang mga terminal students(kung saan ako nabibilang) tuwing araw ng Miyerkules. Well, hindi sa ayaw kong magsuot ng corporate attire nakalimutan ko lang talaga so yun na nga, pumasok akong naka uniform at ang pasok ko ay 7-9 ng umaga nakita ko ang mga guard na nanghaharang ng mga 3rd yr and 4th yr student kasama ang mga terminal student na hindi naka corporate nung nakita ko ang senaryong yun nag isip agad ako ng paraan kung paano ako makakalampas ng hinde na sisita ng mga guard. Una, naisip kong dumaan sa gate 4 at tumuloy sa canteen kung saan nakakonekta ang building namin, to my surprise SARADO ang canteen ewan ko kung nahahalata na ng D.O. na doon dumadaan ang mga estudyante kapag walang I.D. o kung nakacivilian o kung hindi naka corporate, cyempre mission failure kelangan kung maghanap ng ibang paraan para makapasok sa building namin pero bago yun kelangan ko muna bumaba sa hagdan at harapin ang mga estudyanteng palo sa pagpasok sa eskwela(second day ngayon ng 1st term sa main kaya sobrang daming freshmen) at un na nga upang mabawasan ang kahihiyaan ginamit ko ang "inosente look" na may kasamang "kunwaring may ka text look"at effective naman dahil nabawasan ang kahihiyaan ko at sa katunayan e meron pa akong nakita na umakyat papunta canteen at wala rin napala. Balik sa estorya ala siete na nasa labas pa rin ako ng building kelangan ko makapasok kung hindi e mawawalan ng saysay ang pag gising ko ng maaga para lang makapasok na hindi namamarkahan ang attendance ko. So ginamit ko ulit ang "inosente look" habang sinisipat ko kung sino ang mga nakaposte sa mga pintuan dadaanan ko, sa annex building nandun si ever-loyal(kilala lahat ng estudyante) sa main building naman nandun si japet(may crush sa kakilala ko) at alam ko na kilala na nila ako at hindi tatalab ang "inosente look" sa kanila, isa na lang ang pede kong daanan ang technology building kung saan pedeng dumaan ang mga taga main at ang taga-EAC dun ko rin nakita ang kakilala ko na pabalik sa dorm niya dahil nasita ng mga guard, nauubos na ang oras ko kelangan ko ng mga pasok kung hindi e meron na lang akong isang option yun ay magpa DO at alam kong abala yun. Heto na malapit na ako sa pintuan naghahanap ng tamang tiempo para makapasok at sakto naman si ate guard ay may nakitang 3rd yr na hindi nakacorporate ang swerte ko, swerte din gumana ang "inosente look" kay manong guard at swerte din na hindi ko kakilala ung estudyante dahil malamang kung kakilala ko at nakita niya ako e tinuro ako at dalawa kaming makukuhaan ng ID, Haaay! salamat nakapasok ako at hindi pa ako late.

MORAL LESSON: maging bihasa sa paggamit ng "inosente look" gumagana pa din sa iba.

Saturday, May 31, 2008

"Promdi?"

Alam mo ba:" na ang Pilipinas ay binubuo ng maraming maliliit at malalaking isla at ayon nga sa WIKIPEDIA meron tayong eighty one na probinsya at nahahati pa ito sa mga maliliit na lalawigan at municipalidad."

Alam mo rin ba?: "na meron lamang 11,553,427 na populasyon sa metro manila"
Click mo to kung ayaw mong maniwala
at ang kabuuan na populasyon ng pilipinas ayon sa NSO ay 86 million lang naman,kapag binawas mo ang 11 million sa 86 ay magkakaroon tayo ng 75 million na mga probinsyano.

At ito pa: natutuwa tayong makarining ng mga probinsyanong nag uusap sa jeep o napapanood sa tlelebisyon dahil sa kanilang mga punto at maling pag pronounce ng /e/ at /i/ (minsan napagpapalit nila) katulad ng mga kababayan natin nakatira sa ka bisaya-an.


Saan ba ako dapat magulat sa dami populasyon ng ating bansa na napakaliit kumpara sa ibang bansa o sa maling persepsyon ng utak ng mga pinoy tungkol sa mga promdi???

Wednesday, May 7, 2008

"Call of Nature"

Napansin mo ba??? Nung mga nakalipas na mga araw ay sobrang init.Well, pede nating sabihin summer. OO summer pero hinde naman ganito kainit ang panahon nung kabataan ko, probably mga 10 years ago nung 1st year high school student ako. Kung hinde ako nagkakamali eh, yun ang panahon ng kasarapan at kaadikan ko sa basketbol although, naglalaro na ako ng basketbol as young as 7 years old pero ito ung panahon na talagang halos araw araw akong nasa basketbol court maghapon akong naglalaro at nagpapalipas ng oras. Well, masaya nun pero ngaun para bang iba na, ewan ko kung naging sensitibo lang balat ko o naging maarte lang ako pero hinde ko na kayang tumagal sa tindi ng init ni haring araw, para bang merong "malaking magnifying glass" na nakatotuk sa'yo at kapag nagtagal ka eh may posibilidad na masunog ang balat mo. Nagsisimula na bang magpapansin si "INANG KALIKASAN" sa atin??. At tignan mo hinde lang tayo ang nakakaranas ng pagtawag ng kalikasan sa mga "kapit-bansa" meron ng mga natural calamities na nangyari(Hurricane sa amerika, 7.5 magnitude na lindol sa China at malakas na bagyo sa Myanmar) masuwerte pa nga tayo at hinde tayo nakaranas ng katulad ng sa kanila. Nakakalungkot lang isipin, napakasaya ko nung kabataan ko at sana maranasan din yun ng mga kasunod na henerasyon kung sakaling pede pa.

Tuesday, April 22, 2008

Serbisyong Pinoy

Share lang, bakasyon ngaun kaya wala akong magawa kundi umupo sa tapat ng computer ko, ng Bigla na lang nawalan ng kuryente. Huwaw! BLACK OUT ba? hindi, mejo lumuwag yung koneksyon ng kuryente namin doon sa tinatawag na "LIVE WIRE" o yung wire na dinadaanan ng kuryente mula sa MERALCO, kung bakit lumuwang? malay! nahanginan, nagalaw ng ibon o kung ano man pakialam ko basta alam ko wala akong magawa. So ayun na nga wala kaming kuryente at siyempre ano ba una mong gagawin? eh di tumawag sa MERALCO para malaman nila. And then naghintay kami ng dalawang oras para sa kanilang "serbisyo", ano sa tingin mo ang sumunod na nangyari pagtapos ng dalawang oras? "Surprisingly" walang dumating. So, siyempre antagal na dalawang oras na ang lumipas, tinawagan namin ulit para sa kanilang "SERBISYO", Lumipas nanaman ang ilang oras at wala pa ang kanilang "SERBISYO" kasi daw pinasa nila sa Rotonda branch ang aming hinaing dahil mas malapit kami dun kesa sa EDSA Kamuning branch na tama naman, So kami'y naghintay muli para kami ay ma"SERBIYO"han at wala pa din dumating.POTEK!!!gabi na wala pa ding kuryente, nagdahilan ang "operator" sa mahinahon pero galit na nanay ko na "rumoronda" daw yung truck nila kaya mejo matagal daw talaga, lumipas nanaman ang oras at wala pa din ang truck na magse"SERBISYO" sa min, tumawag kami ulit at sa pagkakataong ito si itay na ang tumawag para kausapin ang "operator" ano pa ba?siyempre sa antagal na walang kuryente at inis na dahil sa init ng panahon pag tapos ng 30mins nagdesisyon ang tatay ko na siya na ang gumawa ng lumuwag na koneksyon ng kuryente. Sa wakas nagkaroon na ulit ng kuryente at heto ako at nagsusulat tungkol sa kanilang "SERBISYO". Dumating naman sila kaso tapos na at wala na silang ginawa.


TANONG LANG

1.Ganito ba talaga kapag ordinaryong tao lang matagal ang serbisyo o natagalan lang talaga ang truck???.
2.Ilang beses ba dapat tumawag para respondihan ang isang kustomer na nangangailangan ng kanilang "SERBISYO???"Kelangang ba may attitude kapag tatawag sa hotline nila??? yung tipong galit ka na at kakain ka ng taong buhay.
3.Bakit kapag deadline na ng bayaran, eh mas mabilis pa sa alas kwatro ang pag putol nila sa koneksyon mo at parang siga pa kapag kumakatok sa gate nyo para maghanap ng resibo??.

NOTE:ang welcome rotonda ay apat na stop light lang ang layo samin tahanan at kayang puntahan ng less than 20 mins at inabot ng 11 na oras bago sila dumating.
Well,wala naman akong magagawa dahil ako'y isang ordinaryong tao at walang kapangyarihan sa bansang salat sa pag unawa at pagiging patas.,,||,,

Friday, April 11, 2008

kaHARASan

HARAS parte ng aking buhay

HARAS parte ng nakalipas

HARAS mula noong bata hanggang sa nagbinata

Kung pede lang sana hanggang pagtanda

1k for LESS THAN 1 week.

I received my "allowance" last Sunday, when i decided to go in my classmate's house to give him a hand in his project, in case he needed it *he really didn't need my help I'm just bored so i decided to go.

The following are my expenses for past few days.

Sunday: mcdo = 280
Monday: coke 1.5L = 36, stick O = 5
Tuesday: coke 1.5L = 36, trycicle = 8, Fx = 35, food = 65, DOTA = 40
Wednesday: Fx = 30
Thursday: food 89 + drinks 32, van's fare 35, jeepneey's fare 7.50
Friday: mentos = 6, Fx = 15, jeepney fare = 8 ("no student's discount because it's summer already." said by the jeepney driver.)

Total: 727.50
Missing: 272.50 *Where the hell did it go?
*NOTE: THERE'S NO CLASSES LAST MONDAY AND I DECIDED NOT TO GO IN MY CLASS YESTERDAY.

Sunday, March 30, 2008

Decisions

Your past led you to your present and your present will determine your future.


"Ang buhay ng tao ay puno ng desisyon", bago mo pa man makita ang liwanag sa buhay at nasa sinapupunan ka pa lang ng iyong INA nagdedesisyon na sila kung itutuloy ba nila o hindi. At kung sakali mang matuloy at hindi tupakin ang mga magulang mo, magdedesisyon naman sila kung anong pangalan ang ibibigay sa'yo. At kung panahon na para ikaw ay mag aral magdedesisyon sila kung saan eskwelahan ka ii-enroll. Maraming desisyon sa buhay na dapat na pagtuunan ng pansin iilan pa lamang yan sa mga bagay na meron mabigat na epekto sa buhay natin kapag dumating ang panahon na tinatawag nating "FUTURE".

Saturday, March 29, 2008

LET US SUPPORT THE EARTH HOUR




Mas maigi pang suportahan ang mga event na ganito kesa sa bumuto sa mga walang kuwentang pulutiko sa pinas, kung may utak ka pa at pakialam sa MUNDO ginagalawan then patayin mong mga ilaw sa bahay ninyo ngayon gabi ng alas otcho hanngang alas nuwebe. Let us support EARTH HOUR.

Thursday, March 27, 2008

Mga tanong na mahirap sagutin


Madaming tanong sa mundo natin at narito ang ilan sa kanila.

1. Paano mo nakuha ang apelido mo?
"hindi pa ba sumage sa utak mo kung paano mo nakuha ang apelido mo?,well pede mong sabihin na dahil apelido siya ng magulang mo kaya namana mo lang, Pero san nag-umpisa? sino unang nagpamana?pinagdebatehan ba ito, panu nagkasundo ang sinauna mong kamag-anak na gawin ganun ang apelido ninyo."

2. Bakit pinoy ka at kung bakit kano sila?
"parang unfair diba? sila pinanganak sa mayamang bansa samantala tayo, well alam ninyo na, Hindi pa pinapanganak eh may utang na."

3. Bakit Bunso ka at Panganay ka?
"Kulturang Pinoy, Lahat ng bago sa Panganay at lahat ng pinaglumaan sa Bunso"

4. Bakit pangit ng Bf/Gf niya?
"Love is blind.hahaha!!!BITTER"

5. Bakit nakalagay ang Pilipinas malapit sa ecuador?
"Dahilan kung bakit alang snow sa Pinas."

Ilan lang yan sa mga tanong na mahirap sagutin, at alam ko na marami pa.

Saturday, March 22, 2008

Bakit gabi pinapalabas ang mga "dokyu"???



*Una, Walang gwapo, maganda, sikat na artista.
*Pangalawa, Bawal mag endorse ang ibang sikat na reporters kaya kaka onti ang sponsors kumpara sa mga pay per view ni pacquiao at soap opera sa tv.
*Pangatlo, Mas maraming natatanggap na awards sa ibang bansa kaysa sa sarilng bansa natin.
*Pang-apat, Gobyerno, dahil ang dokyu ay nagtatalakay ng mga sakit ng lipunan na sila mismo ang kadalasang dahilan
*Lastly, It talks about reality which most Filipinos don't give enough attention.


Nakakalungkot lang isipin na mas napapanood pa ang mga teleserye ni angel locsin at marian rivera kumpara sa mga dokyu na dapat na pinapahalagahan ng mga pinoy. Mas maraming inpormasyon malalaman sa dokyu kaysa sa pagpapalit ng balat ni lyka at sa pagpapakasal ni sergio at bella aldama.

Friday, March 21, 2008

John 3:16, the gospel that you think you knew


John 3:16
For God so loved the world, that He
gave His only begotten Son, that
whosoever believeth in Him should not
perish, but have everlasting life.



Ano ba pagkakaalam mo sa gospel na ito??? maliban sa kinanta ito ni Jaime Rivera nung world youth day noong 1995 nang pumunta sa Pilipinas si Pope John Paul II o kaya eh nakita mo na ginaya sa wrestling, Pina-memorize at Pina-resite sa'yo ng teacher mo nung nasa kinder ka pa. Ngayon Holy week try mo lang i-realize at isapuso ang ibig sabihin nito at makonsensya ka sa mga ginagawa mo, sa pag aaksaya ng panahon sa mga bagay na di mo naman dapat ginagawa. Hindi ako relihiyosong tao pero meron akong konsensya.

Tuesday, March 18, 2008

COOL???




some definitions of being cool
*Astig- siga sa kanto, tigasin, tigas ng ulo.
*Rebelde- suwail, walang galang sa magulang, ginagawa ang gusto niya, Breaking all the rules.
*Makulit- paulit ulit gumagawa ng mali.
*Bully- Nang aagaw ng baon sa kaklase, nanapak, sanhi ng gulo.
*Pasaway- pinsan ni makulit.
*Rocker- mahilig sa maingay na musik, sinisira ang gitara.
*Smoker- mala tambucho ang bibig.
*Late Comer- laging sa school.
*Repeater- umulit sa school.
*Alaskador- malakas manglait.
*Experienced-d na virgin.
*Salawahan- Babaero o Lalakero.
*Lusotero-lulusot hanggang may palusot.
*Sinungaling- kamag anak ni magnanakaw.



Ano ba talaga ibig sabihin ng pagiging cool???, ang maging masama????. Mali ba ang pagkakaintindi natin o mali ang tinuturo ng lipunan natin???

Tuesday, March 11, 2008

R U Man Enough???




Ano ang mas lalaking gawin?
Ang aminin na mahal mo siya o Ang tanggapin ang katotohanan na hindi pedeng maging kayo ???Ang hirap noh???some would say na mas madaling aminin na mahal mo ang isang tao kesa itago ito, pero ung mga taong hirap na umamin eh sasabihin na mas gusto pa nilang itago ang nararamdaman kesa sabihin ito. Pero ang iba sasabihin na magpakalalake ka at tanggapin ang katotohanan siguro parehong lalaking gawain pero mas mahirap ang tanggapin na lang at magkunwari ok ka lang. Yung tipong makikita mo siya pero wala ka naman magawa kasi nakikita mo siyang masaya sa piling ng iba siguro nga lalaki ka kapag inamin mo na mahal mo siya sa harap ng maraming tao, romantik at ang sweet macho effect. Pero hindi ba mas lalaki ka kapag inamin mo sa sarili at tanggapin na hindi pwede???

Saturday, March 1, 2008

Merong Bibingo

sledge hammer


Putang ina!!!!, huwag lang akong mapikon at baka merong bibingo. Sobra na pang aasar mo at nakakalalaki ka na!Puta kala mo kung sino ka, Ilusyonado ka naman, tang ina mo! napipikon na ako sa iyo, ginagawa mo akong bata, makatiempo lang ako hahampasin ko ng Maso yan mukha mo!!!. Mang gago ka pa! makikita mo!bibingo ka!!.Pakyu ka!!!!,,||,,

*Hindi ako marahas ng tao pero malapit na akong umabot sa dulo kaya pasensya kung mejo brutal. Kelangan lang dahil hindi ko alam kung pano sasabihin na tama na.

Friday, February 29, 2008

Cause of Delay

"Cause of Delay"
rally sa rotonda


Well, ano bang bago?. heto nanaman sila nagwewelga dahil meron nanaman malaking issue na sangkot ang first family. Actually dalawa ang rally, isa sa welcome rotonda (pro-gloria kuno) at isa sa makati (anti-gloria at pro-lozada). Buti na lang at na anticipate ko ang rally kaya pumasok ako ng maaga at baka ma late ako, sakto naman ang dating ko umabot ako bago mag check ng attendance ang prof ko. Bakit ba hindi na tayo matuto? lagi na lang bang ganito magwewelga kapag meron issue?. Hindi na ba tayo magkakaroon ng mga matinong politiko?. Kaya hanggang ngayon hindi pa rin umaasenso ang Pilipinas dahil sa kanila. Dadating pa kaya ang araw na 'yun?. Sana malapit na...

Monday, February 25, 2008

Panimula

"The end is the beginning of something new."

Ito ang rason kung bakit ako nagsulat sa blog ulit. Tingin ko ito na ang tamang panahon para magsimula ulit. So, abangan ninyo ang mga bago kabanata ng buhay ko.hahahaha

Caution:

Ang blog na ito ay nakakabingi!!!!